May mga araw talaga na sobrang pihikan ang mga bata sa pagkain. Natural lang na kabahan kung sapat ba ang nutrients na nakukuha nila, lalo na pagdating sa protein. Pero hindi kailangang mag-alala; puwedeng gawan ng paraan ‘yan sa simple at wais na paraan. Narito ang mga simple at wais na diskarte para maisama ang protein-rich foods sa pang-araw-araw na diet ng mga bata.
Ano ang Protein-Rich Food at Bakit Ito Importante sa Paglaki ng Bata?
Ang protein-rich food o grow foods ay mga pagkaing mayaman sa protein. Ito ang tumutulong magpalakas ng muscles, bones, at tissues ng mga bata, pati sa pag-repair ng katawan nila kapag pagod o active sa laro. Makukuha ito sa iba’t ibang pagkain tulad ng karne, isda, itlog, gatas, cheese, beans, at tokwa.
Para masigurong sapat ang protein ng bata, mahalagang isama ang iba’t ibang grow foods sa araw-araw nilang diet. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng Department of Science and Technology, ang mga batang edad 1–3 taong gulang ay recommended magkaroon ng 13g na protein bawat araw. Katumbas ng 13g na protein sa pagkain ay dalawa large size na itlog o isang cup ng plain na yogurt o 42-57g ng lutong chicken breast.
Sa paglaki ng mga bata, mas marami na rin silang kailangan na protein sa katawan gaya ng makikita sa chart sa baba:
|
Edad |
Ideal protein sa katawan para sa araw-araw |
|
Batang 1-3 years old |
13g |
|
Batang 4-8 years old |
19g |
|
Batang 9-13 years old |
34g |
Bakit Kailangan ng mga Bata ang Protein?
Importante talaga ang protein-rich food sa nutrition ng anak mo. Heto ang mga dahilan kung bakit kailangan nila ito sa diet nila araw-araw:
1. Para lumakas ang kanilang katawan
Kilala ang protein na 'building blocks' ng katawan. Responsable ito sa pagkukumpuni ng muscles pagkatapos maglaro ang bata at gumagawa ng collagen para smooth at matibay din ang skin niya. Ang protein din ang foundation kung saan kumakapit ang calcium para tumibay ang buto ng anak mo.
2. Makakatulong ang protein na mabigyan sila ng healthy weight
Kung medyo payat ang anak mo o underweight, sabi ng mga pedia, puwedeng-puwede ang protein-rich food for weight gain. Examples ng mga protein-rich food na good for weight gain ay itlog, dairy, chicken breast, at mani. Kumonsulta rin sa pedia ng anak mo for guidance. Mas maganda na makita ang anak mo na masaya, energetic, and sik-sik ang katawan.
3. Ang protein ay sinusuportahan ang active play nila
Nakakatulong ang protein sa katawan para mabilis maka-recover at lumakas ulit ang katawan ng anak mo pagkatapos niya maglaro buong maghapon.