Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.

Learn Chef Tatung’s ‘Simpol’ Secret for Potlucks: Cebu-Inspired Recipes

5min
Learn Chef Tatung’s ‘Simpol’ Secret for Potlucks: Cebu-Inspired Recipes

Aminin na natin. Dumadagsa talaga ang mga potlucks tuwing papalit ang Kapaskuhan. Mula sa simpleng family reunion, catch-up session kasama ang barkada, hanggang sa malalaking office parties! Kahit nakaka-stress ang preparations, game pa rin tayo para matuloy ang bonding with our loved ones. Pero ang tanong ng marami, ano bang sikreto para gawin itong Magical?

Para kay Chef Tatung Sarthou of Simpol, hindi lang basta pagkain ang nagpapasarap ng potlucks—kundi pati na rin ang pagsasama-sama! “Potlucks shouldn’t stress you out. The best ones are puno ng kwento at tawanan, not just food” he says. Kaya nga tuwing potlucks, inihahain ni Chef Tatung ang mga paborito niyang recipes from Cebu at Visayas. Not only does it remind him of home, it also brings people together.

Tara alamin natin ang mga Cebu and Visayas-inspired potluck recipes na ito!

 

For a Heartwarming Start: Law-Uy

Kapag may potluck, expected na natin na maraming magdadala ng fried or grilled dishes. Bagama’t masarap ito, may ilan na concerned sa kanilang kalusugan o naghahanap naman ng variety. Kaya recommended ni Chef Tatung itong Law-uy o Utan Bisaya, isang traditional Visayan soup na puno ng gulay tulad ng okra, ampalaya, talong, at marami pang iba! Binubudburan niya rin ito ng MAGGI® Magic Sarap para mas lumabas ang meaty flavors. Bukod sa heartwarming taste nito, madalas niluluto ang Law-uy for big servings—kaya swak sa potluck!

 

Familiar Made Festive: Adobong Bisaya

Adobo for Potluck? Yes, please! Pero ngayong Pasko, ang challenge ni Chef Tatung ay subukan mo naman ang Adobong Bisaya. Sa recipe na ito ay imbes na may sarsa, dine-deep fry ang karne na binabad mula sa vinegar marinade at MAGGI® Magic Sarap. Pagkatapos ay niluluto ang braising liquid kasama ng upang maging dipping sauce! Nakakatakam ‘di ba? Paniguradong ganyan din ang magiging reaksyon ng iyong loved ones kapag inihanda mo ito sa salu-salo!

 

The Star of the Holiday: Bacolod Inasal

Para sa ating mga Pinoy, hindi kumpleto ang holiday potluck kung walang grilled dishes. Kung naghahanap ka ng kakaiba mula sa nakasanayang pork barbecue—Bacolod Inasal is right for you! Ayon kay Chef Tatung, isa ito sa mga pinakasikat na dishes mula sa Visayas dahil sa kakaiba nitong linamnam. Mina-marinade niya rin ito sa MAGGI® Savor Chilimansi para may balanse sa tamis, anghang, at grilled flavor na hahanap-hanapin ng bawat bisita!

 

Honorable Mentions

Bukod sa mga Cebu and Visayas-inspired recipes na nabanggit, narito pa ang ilang suggestion mula kay Chef Tatung: Corn, Casserole, Humba sa Bisaya, at Baked Macaroni o Chicken Lasagna. Ayon sa kanya ang mga ito ay “It’s hearty, easy to assemble, and perfect for feeding a big group. You can even make it ahead and bake it right before serving.”

 

Ang ‘Simpol’ Secret sa Potlucks

Bukod sa pagsasama ng pamilya, mga kaibigan, at mga katrabaho o kaklase, ang mga holiday potlucks ay nagsisilbing paraan din upang ipakilala natin ang ating kultura. Tulad ni Chef Tatung na gumagamit ng mga  regional dishes upang i-welcome ang kanyang mga bisita.

Walang eksaktong formula sa isang successful na potluck, pero para paalala ni Chef Tatung “The holidays aren’t about perfection — they’re about presence. Whether it’s a potluck or Noche Buena, cook what you love, share it generously, and let the laughter season the meal. That’s the true Simpol way.”

Nasa mga kamay mo ang sikreto para gawing Magical ang Pasko! Kaya’t magluto na sa tulong ng MAGGI®!