Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.

5 Easy But Yummy Soup Recipes for Beginners

5min
5 Easy Soup

May mga araw talaga na biglang mapapaisip ka: “Ang sarap siguro ng mainit na sabaw ngayon.” ‘Di man malamig ang panahon, may mga oras na gusto lang ng katawan ng something comforting— yung bawat higop, parang may kasamang malambing na hagod pampa good vibes. At contrary to popular belief, hindi kailangan maging expert para makagluto ng masarap na sabaw. Basta may tamang ingredients, kaunting oras, at tulong ng MAGGI®, kayang-kaya makagawa ng lutong-bahay na siguradong swak sa panlasa. Here are 5 Easy Soup Dishes You Can Cook— madaling sundan, mabilis lutuin, at perfect para sa kithen newbies.

 

Egg Drop Soup

May mga araw na gusto mo lang ng something warm and comforting na hindi hassle lutuin. Swak ang Egg Drop Soup— simple lang gawin, mabilis lutuin, pero ang ubod ng sarap! Ilang minuto lang, may silky, flavorful broth ka na na parang galing sa paborito mong Chinese resto. Swak ‘to sa mga busy nights o kapag gusto mo lang mag-relax habang may mainit na sabaw sa harap mo.

Get the full recipe here:

MAGG®I Egg Drop Soup Recipe

 

Healthy Tomato Soup with Cream & Cheese Dipped Toast

Kung gusto mo ng healthy pero medyo sosyal ang dating, this is the one. Tangy at creamy ang tomato soup, tapos may cheesy toasted bread pa sa gilid— perfect pang-dip habang nanonood ng favorite mong series o updating your friends on the latest life updates. Light siya pero satisfying, at ang presentation? Instagram-worthy!

Try it here:

MAGGI Healthy Tomato Soup with Cream & Cheese Dipped Toast

 

Chinese-Style Crab and Vegetable Soup

Kung feel mo i-elevate angl dinner experience mo pero ayaw mo ng kumplikado, try mo ‘tong Chinese-Style Crab and Vegetable Soup. Malasa, loaded sa gulay, at may rich crab flavor na siguradong mapapa-“wow” ka sa bawat higop. Ang maganda pa, hindi mo kailangan gumastos ng malaki o magtagal sa kusina para makuha yung restaurant vibes.

Get the recipe here:

MAGGI Chinese-Style Crab and Vegetable Soup


Chicken Sopas

Walang tatalo sa Chicken Sopas pagdating sa comfort food na tunay na nakakabusog. Creamy, malasa, at puno ng gulay at chicken goodness— paborito ng lahat, bata man o matanda. Perfect ‘to sa umuulan na hapon o kahit sa simpleng almusal na gusto mong gawing extra special.

Cook it now:

MAGGI Chicken Sopas

 

Fresh Mushroom Soup

Kung trip mo yung earthy at rich na flavor, Fresh Mushroom Soup ang bet mo. Simple lang gawin pero ang lasa, parang chic café. Perfect as a starter para sa dinner date sa bahay o kaya naman light dinner kapag gusto mo lang mag-relax after a long day. Isang higop pa lang, mapapaisip ka kung bakit ngayon mo lang ‘to sinubukan.

Learn it here:

MAGGI Fresh Mushroom Soup

 

Why You’ll Love This Lineup

Lahat ng soup recipes na ito ay beginner-friendly, mabilis lutuin, at guaranteed magical ang flavors dahil sa tulong ng MAGGI®. May sakto sa light meal, may nakakabusog na comfort food, at may pang-special dinner fee — depende sa mood mo. Kaya kung gusto mong mag-level up sa kusina nang walang stress, start with these 5 easy recipes.