Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.

Holiday-Handa with MAGGI®: Delicious Dishes for your Barkada X-Mas Party

5min
Holiday-Handa with MAGGI®:  Delicious Dishes for your Barkada X-Mas Party

Christmas season na! Wala ng atrasan—sa wakas matutuloy na rin ang barkada get together!! 

Ready na ang program, na-book na ang venue, at excited na ang lahat. Pero ang ambag mo sa potluck, handa na din ba? 

Kung wala ka pang naiisip lutuin, here’s MAGGI® to the rescue! Naghanda kami ng ilang tried-and-tested recipes na papatok sa mga tropa! Pasarapin natin ang barkada bonding moment, with these magical recipes!
 

Flavored to Perfection: Jack Daniel’s and Snow Cheese Chicken

Iba talaga ang kwentuhan 'pag may Jack! Hindi lang ‘yan inumin na perfect sa cola—ngayon, pang pica-pica na rin. With its sweet and smoky BBQ glaze, Jack Daniel’s-inspired chicken is the kind of potluck dish na agaw-eksena sa barkada night. Add a touch of MAGGI® Magic Sarap habang niluluto para mas malinamnam at mas ma-enjoy ang bonding.

Looking for something lighter? Baka mas Snow Cheese Chicken ang bagay sa inyo! Made with a thin coating of cheddar or parmesan cheese, talagang maaadik kang simutin ang sweet and savory Snow Cheese ‘til the last bite!

Kung ito ang special request ng barkada, may good news kami sa’yo! ‘Di mo na kailangan gumastos ng malaki dahil makakagawa ka ng flavored-chicken dish, sa tulong ng MAGGI®. Sundan lang ang recipe sa baba para sa solid entry sa potluck. 

Jack Daniels Fried Chicken

Snow Cheese Fried Chicken
 

Loaded sa Sarap: Bacon-loaded Carbonara

Worried na baka mabitin ang barkada sa dala mong ulam? Pasta ang sagot d’yan!

Madaling gawin ang pasta noodles in bulk. Kailangan lang mag-handa ng extra sauce, para sa second serving ng tropa. Okay din ang pasta kung mag-oovernight; perfect ito i-reheat as a midnight snack or hearty breakfast. 

Kung pasta na palaban ang usapan, you can’t go wrong with Bacon Carbonara! With this MAGGI® recipe siksik sa bacon goodness ang pasta, para sure na busog ang buong barkada. 

Check out our over-sa-sarap Bacon-Loaded Carbonara here.
 

Healthy Pulutan: Lumpiang Sardinas with Sweet and Spicy Sauce

Nagbago na ba ang trip ng barkada? Yung dating, crispy pata agad ang order sa inuman—ngayon, madalas mo na maririnig: “Walang fried, ha. Low cal tayo!”

Pero kahit mas health-conscious na, hindi ibig sabihin magko-compromise na sa sarap.

With a few tweaks, kaya nating gawin mas healthy ang handa — without sacrificing flavor. For example, pwede natin i-substitute ang sardinas as a lumpia filing. Dama mo sa bawat kagat ng crispy golden brown lumpia ang meaty-sarap ng sardinas. Add a dash of MAGGI® Magic Sarap for that extra umami kick and you get something crave-worth and guilt-free. Perfect ito para sa mga tropang nag-gym o kaya nag ca-calorie counting.

Para sa heart-healthy pulutan na panalo parin sa panlasa, check out this Lumpiang Sardinas recipe!

This holiday season, ang “best barkada gift” ay ang paglutuan sila ng masasarap na pulutan. Sa tulong ng MAGGI® and a bit of kusina magic, kaya natin MAS pasarapin ang bonding ng barkada ngayong pasko! Merry Christmas and happy cooking!