Maraming magulang ang naniniwalang sa prutas at gulay lang makukuha ang vitamin C. Isa ka ba sa kanila? Ang totoo, meron ding vitamin C ang gatas. Malaki pa nga ang naitutulong nito sa paglaki at overall nutrition ng anak mo.
Habang mabilis lumalaki ang mga bata, natural lang na gustong masiguro ng mga magulang na malusog, masigla, at protektado sila araw-araw. Kaya mahalagang maisama ang vitamin C sa kanilang diet. Tinutulungan nitong palakasin ang resistensya at mas maging epektibo ang iron absorption – dalawang bagay na kailangan para manatiling strong ang immune system ng bata.
Kung curious ka pa tungkol sa vitamin C, narito ang mga dapat mo malaman. Malalaman mo ang vitamin C benefits hanggang sa best time to take vitamin C. Makakatulong ang mga ito para mas kampante ka sa pag-aalaga sa kalusugan ng iyong anak.
Mga Vitamin C Benefits Para sa Anak Mo
Karaniwan talagang kapitan ng ubo at sipon ang mga bata dahil hindi pa talaga malakas ang resistensya nila. May pag-aaral galing sa National Library of Medicine na nagsasabing mas mataas ang tsansa nilang makaroong ng upper respiratory infections tulad ng ubo at sipon. Lalo na kapag nasa school, park, o playground – ang bilis kasi kumalat ng virus sa mga lugar na ‘yan.
Kaya kailangan talaga palakasin ang immune system nila. Malaki ang maitutulong ng vitamin C para mas lumakas sila at hindi basta-basta kapitan ng sakit.
Ito ang mga vitamin C benefits na puwedeng makuha ng anak mo:
Pampalakas ng immune system
Nakakatulong ang vitamin C na labanan ng katawan ang ubo, sipon, at infection. Para siyang bodyguard na pumoprotekta sa immune cells. Mas malaki ang tsansa na hindi agad kapitan ng virus ang bata kung tama ang vitamin C levels niya.
Pampatibay ng buto at tissue
Tumutulong din ang vitamin C sa paggawa ng collagen. Ang collagen, protein siya na napaka-importante. Ginagawa niyang matibay at malusog ang buto, ngipin, gilagid, at balat ng anak mo.
Mas effective na absorption ng iron
Kung pinapakain mo ang anak mo ng mga gulay na maraming vitamin C, mas mabilis ma-aabsorb ng katawan niya ang iron. Kapag nangyari ‘yon, mas maiiwasan ng anak mo na magkaroon ng anemia, na isang sakit kapag kulang ng iron ang dugo na maaaring magdulot ng pagkatamlay, madaling mapagod at walang sigla.
Nakakatulong sa mas mabilis na paggaling ng sugat
Kung active ang anak mo, hindi niya maiiwasan na magkasugat at magkapasa. Pinapabilis ng vitamin C ang paggaling ng katawan. Kung mabilis ang pag-recover sa sugat ng anak mo, mas makakalaro siya ulit agad.
Pinoproteksiyonan ang cells ng katawan
Sa dami ng pollution at stress sa paligid, kailangan ng katawan ng bata ng dagdag suporta. Antioxidant ang vitamin C kaya nakakatulong itong protektahan ang mga cells.
Sumosuporta sa brain development
Para maging alerto at magana sa pag-aaral ang anak mo, dapat sapat ang Vitamin C niya sa katwan. Ang bitaminang ito ay nakakatulong din sa healthy brain function, hindi lang sa katawan.
Mga Tips Para sa Tamang Pagbigay ng Vitamin C sa mga Bata
Para sa tamang vitamin C ng bata, narito ang ilang simple at helpful tips na puwedeng sundan araw-araw.