Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.

Eggciting! Egg Recipes beyond Fried Eggs

4min
Eggciting! Egg Recipes beyond Fried Eggs

Bukod sa kanin, anong pagkain o ingredient pa ang staple para sa ating mga Pilipino? Simple lang ang sagot: itlog! Abot-kaya kasi ang presyo nito, siksik sa protina, at madali pang lutuin o isahog sa iba’t-ibang recipes. ‘Yan ang dahilan kung bakit egg-cited ang buong pamilya kahit fried eggs lang ang nasa lamesa! 

Pero kung sawa ka na sa nakasanayang pritong itlog o scrambled egg, sakto ang dating mo! Narito ang MAGGI® para tulungan kang i-elevate ang iyong egg dishes into magical torta recipes! Hindi kailangang ma-stress sa pagbili ng ingredients dahil lahat ng kailangan mo, siguradong nasa kusina mo na! Kaya tara na, let’s cook with magic!

 

1. Nutritious Classic: Tortang Talong

Hindi pasok sa budget ang karne? No problem! Basta’t may talong, itlog, at MAGGI® Magic Sarap® sa kusina, kayang-kaya mong magluto ng Tortang Talong. Dito iniihaw ang eggplant, saka ifa-flatten para lumaki at dumami, pagkatapos ay ipiprito kasama ng binating itlog na may seasoning. Ang sarap ‘di ba? Isa ito sa mga classic Filipino recipes na sinasabing nagsimula pa noong Spanish colonial era. Kaya nga kinalaunan ay nagkaroon na rin ng iba’t-ibang style ng pagluluto nito ang bawat pamilya. Pero one thing remains the same: mayroon itong sarap na abot-kaya! 

2. Sarap on a Budget: Tortang Corned Beef at Tortang Sardinas

Kapag petsa de peligro na, hindi talaga maiiwasan na kumapit sa mga de lata! Pero kung sawa ka nang i-reheat lang ang mga canned goods sa iyong kusina, bakit ‘di mo subukan na gawin itong torta? Oo! Similar to how you cook Tortang Talong, pwede mong gawing Tortang Corned Beef o Tortang Sardinas ang canned goods of your choice. Just beat some eggs, add MAGGI® Magic Sarap® , and in just a few minutes, you can enjoy a level up meal na pasok sa budget! 

 

3. Simple and Satisfying Seafood: Tortang Dulong

Nakatikim ka na ba ng dilis? Eh kung dulong kaya? Ito yung maliliit na isda na madalas pinapatuyo para maging dried anchovies na inilalahok sa iba’t-ibang recipes. Kung may mabibili kang fresh dulong sa palengke, masarap itong iprito kasama ang binating itlog na binudburan ng MAGGI® Magic Sarap®! Simple lang ang recipe pero ang resulta…parang nagluto ka na rin ng fish-flavored patties! Magical ‘di ba?!

4. Healthy Staple: Tortang Sibuyas, Kamatis at Hipon

Minsan ang hirap isingit ng pagluluto dahil sa busy nating schedule. Kaya nga gusto natin ng simple at ‘di masyadong stressful na recipe tulad nitong Tortang Sibuyas, Kamatis, at Hipon! Apat na ingredients lang ang kailangan mo: itlog, sibuyas, hipon, at MAGGI® Magic Sarap®! Simple lang din ang pagluluto nito: batihin ang itlog, lagyan ng seasoning, at iprito kasam ang iba pang mga lahok. Patunay na minsan ang magic, pwedeng simple at malinamnam! 

5. Protein Rich Family Meal: Tortang Giniling

Sabi nga nila save the best for last! Kaya kapag may budget ka na to spend at gustong supresahin ang iyong pamilya, you can never go wrong with Tortang Giniling! This is still your classic way of cooking torta, pero mas pinasarap lang ng flavorful meat chunks mula sa giniling at mas pinalinamnam pa with MAGGI® Magic Sarap® na gawa sa fresh ingredients. Swak din ito for bigger servings, kaya siguradong mae-excite ang buong pamilya kapag niluto mo ito! 

Mag-Expirement sa Kusina with MAGGI®!

These are just 5 ways you can cook eggs! Marami pang paraan para lutuin ito at ilahok sa iba’t-ibang mga ulam at ingredients. Kaya sa susunod ay huwag ka nang matakot na mag-experiment sa kusina dahil lahat kasama mo ang MAGGI® in every step of your discovery. Sama-sama tayong gawing magical ang bawat ulam, one seasoning at a time! 

For more recipes and magical tips, visit www.nestlegoodnes.com!