Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.

Discover Judy Ann Santos-Agoncillo’s Best Tips for a Magical Christmas Potluck

5min
Discover Judy Ann Santos-Agoncillo’s Best Tips for a Magical Christmas Potluck

Everyone is invited tuwing Pasko—mula sa mga chikiting hanggang kay lolo at lola! Bukod kasi sa bonding at exchange gift, inaabangan din ang handaan. Kaya kung naghahanap ka ng Christmas potluck ideas na siguradong pasok sa panlasa ng buong pamilya, nandito ang mga holiday cooking tips ni Judy Ann Santos-Agoncillo—celebrity chef at long-time MAGGI® partner. Basahin na ang mga simple pero magical na suggestions para mas mapadali at mapasarap ang iyong holiday potluck!

 

Tip 1: Pumili ng Recipes na Swak sa Lahat

Ang first tip ni Judy Ann: alamin kung sino ang kakain at planuhin ang menu base sa preference nila.  Mahalaga na may balanse ang pagpipilian sa mesa. Kapag marami nang pagkain sa lamesa, pupuntahan nila ‘yung pinaka-simple pero masarap,” sabi niya. Tulad ng Chicken Pastel—comforting, festive, at siguradong crowd favorite. Bukod dito, nire-recommend din niya ang Hardinera, Adobong Pininyahang Manok, Caldereta, at Lumpiang Shanghai---paboritong putahe na pang-marami at pasok sa kahit anong age group. Mas pinasarap pa ‘yan with MAGGI® Magic Sarap!

 

Tip 2: Ihanda ang Ingredients Ahead of Time

Ngayong may listahan ka na ng recipes na pwedeng lutuin, ang next step ay ang preparation. Simulan mo nang tumingin ng presyo ng mga ingredients at bumili kapag naka-sale ito para makatipid. Kapag malapit na ang potluck, pwede mo na ring hiwain ang mga ingredients o i-marinate ang mga karne to save time.  Ika nga ni Judy Ann “I prepare ahead of time based on the menu. Simulang gawin ‘yung pwedeng unahin, and of course, I have to make sure kung anuman ‘yung dadalhin ko, it will cater to everyone.”

 

Tip 3: Gawing Bonding Moment ang Pagluluto

Sa araw ng potluck o Noche Buena, hindi maiiwasan na maging busy sa kusina. Kaya ang ilan ay nawawalan na ng time maka-bonding ang pamilya. Kaya ang tip diyan ni Judy Ann ay “Make sure your kitchen is ‘open’. Include your family in preparing dishes. Mas nagiging special kasi when you delegate tasks, it becomes more fun”. Bukod sa sumasarap ang samahan ng pamilya o barkada, sumasarap din ang lutuin dahil lahat ay kasama sa paggawa nito.

 

Pasarapin ang Pasko with MAGGI®!

Goodbye, stress. Hello, magical potluck! Sa tulong ng tipsni Judy Ann at recipes from MAGGI®, kayang mong magluto ng masarap para sa buong pamilya—mula appetizer hanggang dessert for everyone. Ngayong Pasko, ipadama ang pagmamahal with your cooking. For more tips and recipes, visit www.nestlegoodnes.com