Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.

Kwento ng Tibay

Pagkilala sa mga Batang Huwaran ng Katatagan at Inspirasyon

5min

Ang Batang Matibay Awards, na itinatag ng BEAR BRAND® Fortified kasama ang Department of Education, ay nagbibigay parangal sa mga natatanging mag-aaral mula Grade 5 at Grade 6 sa pampublikong paaralan na nagpapakita ng katatagan sa pag-aaral at buhay. Simula noong 2018, taun-taon nilang kinikilala ang sampung (10) Batang Matibay na, sa kabila ng mga hamon at kahirapan, ay buong pusong nagsusumikap na ipagpatuloy ang kanilang edukasyon. Ang mga batang ito ay nagsisilbing inspirasyon sa kanilang pamilya, paaralan, at komunidad, at ipinapakita ang determinasyon at positibong pananaw upang...

Bear Brand Banner

Ang Batang Matibay Awards ay binuo ng BEAR BRAND® Fortified, kaagapay ang Department of Education, upang kilalanin ang mga katangi-tanging mag-aaral na nagpapamalas ng TIBAY sa pag-aaral at TIBAY sa buhay.

Kada taon, mula taong 2018, ay nangangalap ang BEAR BRAND at ang DepEd ng mga kuwento ng TIBAY mula sa iba’t ibang panig ng bansa, upang bigyang-pugay ang sampung (10) BATANG MATIBAY - mga mag-aaral mula pampublikong paaralan, sa Grade 5 at Grade 6 – na nagsisilbing huwaran at inspirasyon sa kanilang pamilya, paaralan, at komunidad. Sa kabila ng mga hamon at hirap ng buhay, sila ay buong pusong nagsusumikap upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Dahil sa kanilang taglay na TIBAY ng katawan, isipan, at kalooban, nagpapakita sila ng determinasyon at positibong pananaw upang makatulong sa pamilya, magsilbing lider ng kabataan, at makapagtapos ng pag-aaral tungo sa mas MATIBAY na kinabukasan.

SUHEL ALFONSO

Ang matayog na pangarap ng Batang Matibay na si Suhel para sa pamilya at sa kanyang komunidad ang pinagmumulan ng kanyang TIBAY na magpursigi, sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap.

"Kahit mahirap. Kahit malayo. Kahit minsan may gulo. Hindi ko susukuan ang pangarap ko.

SUHEL ALFONSO