MARK ANGELO SUNIO
Caloocan North Elementary School , NCR
Grade 5 , 11 Years Old
Nakikipaglaban sa sarcoma bone cancer – naputulan ng kanyang braso dahil sa sakit, pero patuloy pa ring nagpupursige na makapag-aral. “Maam, kamay lang ang nawala sa akin, hindi ang buhay. Kaya patuloy lang po ang buhay – magtatapos po ako ng pag-aaral.”
MARIAH MAE DELA CRUZ
Villaverde Central School SPED Center , Region II
Grade 6 , 12 Years Old
Siya ay nagtatanim at nagtitinda ng mga gulay, pagkain (mani/saging), o anumang puwedeng maibenta para may baon sila ng kanyang mga kapatid. "Kung huminto ako, hihinto rin ang buhay ko" at hindi niya makakamit ang pangarap na maging guro. Sa bahay ay tinuturuan pa niya ang kanyang mga kapatid sa pagsagot ng kanilang modyul.
AUDREY NICOLE LORENZO
Aniban Central School , Region IV-A
Grade 6 , 11 Years Old
Isang inspirasyon sa kaniyang paaralan at komunidad kung sya ay ituring. Sa panahon ng pandemya naging proyekto nya ang Project Bote kung saan ginagamit nya ang mga plastic bottles para maging plastic pots at ibinebenta ito sa kaniyang komunidad. Ang kinikita naman nya ay ginagamit para sa Lugaw Community Pantry para makatulong sa mga nangangailangan. Sa dami ng kanyang mga proyekto, naggawa pa nyang tumulong sa ibang mga bata na nangangailangang ng atensyon.
LEA PILLADO
Baang Elementary School , Region V
Grade 6 , 14 Years Old
Nagsusumikap sa pag-aaral kahit na limang kilometro ang layo ng kanilang bahay mula sa paaralan, ni minsan ay hindi siya lumiban sa klase maliban kung may iniindang sakit. Kahit pa ang kanilang komunidad ay walang suplay ng kuryente, hindi ito naging balakid sa kanyang pag-aaral.
NISSA YARA
Marufinas Elementary School , Region IV-B
Grade 5 , 11 Years Old
Masipag, matulungin, magalang, at may karangalan sa athletics. Isa siyang katutubong Tagbanua – hindi niya inalintana ang pangungutya sa kanyang pisikal na katangian at mga kakulangan sa buhay. Siya ay naging mabait, matulungin, mapagmahal, may paggalang sa kanyang kapwa kamag-aral, guro, at mga nakakatanda. Hindi nagiging balakid ang layo ng paaralan at kakulangang pinansyal. Naniniwala siya na ang edukasyon ang makapagbabago ng adhikain niya sa buhay. Pangarap niyang maging guro sa kanilang lugar.