Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.

30-Minute Recipes Para sa Mga Busy Mommies

5min

Para sa mga busy mommies na naghahanap ng easy dinner recipes na yummy and healthy, check out these All-in-ONEderful dishes na mas mapapasarap pa ng MAGGI® MAGIC SARAP®, made with fresh onion and garlic plus real meat and spices!

30-Minute Recipes Para sa Mga Busy Mommies

May mga araw na parang kulang ang 24 hours para sa mga mommies. Sa dami ng responsibilities sa bahay o sa trabaho, madalas silang kapusin sa oras. Dahil dito, di maiiwasan na mabitin ang oras sa pagluluto.

Para sa mga busy mommies na naghahanap ng easy dinner recipes na yummy and healthy, check out these All-in-ONEderful dishes na mas mapapasarap pa ng MAGGI® MAGIC SARAP®, made with fresh onion and garlic plus real meat and spices!

Chicken Tinola

Suking-suki sa mga busy mommies ang Chicken Tinola  kasi madaling hanapin ang ingredients nito at madaling palambutin ang manok. Hindi rin komplikado ang procedure kaya recommended ito para sa mabilis pero masarap salu-salo.

Ingredients

  • ½ kg chicken legs and thighs  
  • 2 sachets 8g MAGGI® MAGIC SARAP®  
  • 2 tbsp vegetable oil  
  • 4 cloves bawang, crushed  
  • 1 pc sibuyas, chopped 80g  
  • 2 thumb-sized luya na hiniwang pahaba  
  • 1 tangkay ng tanglad na binayuhan at tinalihan ng dahon  
  • 1 pc siling mahaba  
  • 4 cups tubig  
  • 1 pc hilaw na papaya (small), sliced  
  • ¼ cup picked chili tops 10g  

Procedure:  

  1. Timplahan ang manok ng isang sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP®.  
  2. Gisahin ang bawang, sibuyas, luya, tanglad, at siling mahaba sa mantika. Ilagay ang manok at lutuin nang limang (5) minuto. Maglagay ng tubig, pakuluan, tanggalin ang dumi, at hayaang kumulo nang (10) minuto.  
  3. Idagdag ang papaya at hayaan ulit kumulo nang sampung (10) minuto. Budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP®. Ilagay ang chili tops. Isalin sa serving bowl at ihain.  

Chicken Adobo

 

Walang makakatalo sa ultimate Pinoy favorite na Adobo. Hindi lang ito masarap at nutritious, madali pa itong lutuin! Madalas mong makikita ang ingredients sa adobo sa kusina. Basta may chicken ka sa ref, kayang-kaya mo na ‘tong ihain ang  Chicken Adobo  sa hapagkainan.  

Ingredients:  

  • 2 tbsp soy sauce  
  • 1 tsp pamintang buo  
  • 2 tbsp MAGGI® Oyster Sauce  
  • ½ kg chicken legs  
  • 3 tbsp suka  
  • 1 cup tubig  
  • 1 tbsp vegetable oil  
  • 1 head bawang, crushed  

Procedure:  

  1. Pagsama-samahin ang manok, bawang, pamintang buo, suka, MAGGI® Oyster Sauce, soy sauce at tubig sa kawali. Hayaang kumulo nang labinlimang (15) minuto.  
  2. Mag-init ng mantika sa kawali, i-strain ang manok at igisa hanggang maging golden brown.  
  3. Isalin ang cooking liquid at pakuluan nang limang (5) minuto. Ilagay sa serving dish at ihain.

Gising-gising

Kung naghahanap ka ng kakaibang lutuin na hindi matrabahong lutuin, try mo ‘tong  Gising-Gising. Madaling bilhin ang mga ingredients at mabilis lang itong lutuin. Kung mahilig ang pamilya mo sa salty and slightly spicy na mga ulam, siguradong magugustuhan nila ito.  

Ingredients:  

  • 2 cloves bawang, minced  
  • 1 pc sibuyas (medium), chopped  
  • 5 pcs siling labuyo  
  • ¼ kg liempo, sliced  
  • 2 tbsp bagoong alamang  
  • 2 tbsp vegetable oil  
  • 4 cups Baguio beans, sliced  
  • ½ cup tubig  
  • 1 ½ cups kakang gata  
  • 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®  

Procedure:  

  1. Igisa ang bawang, sibuyas, chili, pork, at bagoong sa mantika.  
  2. Ihalo ang Baguio beans at lagyan ng tubig. Lutuin nang limang (5) minuto.  
  3. Ihalo ang kakang gata at budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP®. Hayaang kumulo nang limang (5) minuto. Isalin sa serving dish at ihain.

Sarciadong Tilapia

Kung gipit ka na talaga sa oras para magluto ng masarap na dinner para sa pamilya, perfect itong Sarciadong Tilapia. Bigyan mo ng sarciado twist ang classic pritong tilapia at makikita mo ang amazement sa mga mata ng anak at asawa mo!  

Ingredients:  

  • ¾ kg tilapia, malinis at nakaliskisan 2 sachets ng 8g MAGGI® MAGIC SARAP®  
  • 1 cup vegetable oil  
  • 4 cloves bawang, crushed  
  • 1 pc sibuyas, diced  
  • 2 pcs kamatis, diced  
  • ½ cup tubig  
  • 2 pcs egg, binate  
  • 1 tangkay ng scallions, sliced  

Procedure:  

  1. Budburan ang tilapia ng 1 sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP®. Prituhin sa mantika hanggang maging golden brown. Salain at i-set aside sa plato.  
  2. Mag-iwan ng 2 kutsarang mantika sa kawali. Igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis. Maglagay ng tubig at hayaang kumulo.  
  3. Ihalo ang beaten eggs at budburan ng 1 sachet ng MAGGI® MAGIC SARAP®. Isama ang scallions. Isalin ang sauce sa ibabaw ng pritong tilapia at ihain.

Sinuwam na Tahong 

‘Di lang gipit sa oras kundi pati sa budget? Tamang-tama itong easy dinner recipe na Sinuwam na Tahong. Madali mo lang mahahagilap ang ingredients dito at ‘di rin required ang extensive prep time—perfect para sa mabilisang luto!    

Ingredients:  

  • 4 cloves bawang, crushed  
  • 2 thumb-size luya, cut into strips  
  • 1 pc sibuyas, sliced  
  • 2 pcs siling mahaba  
  • 2 tbsp vegetable oil  
  • 1 kg tahong, cleaned and rinsed well  
  • 2 cups tubig  
  • 1 sachet ng 8g MAGGI® MAGIC SARAP®  
  • 1 tali dahon ng sili, picked  

Procedure:  

  1. Igisa ang bawang, luya, sibuyas, at siling mahaba sa mantika.  
  2. Ilagay ang tahong. Haluin at takpan ang kawali. Hayaang maluto nang dalawang (2) minuto.  
  3. Maglagay ng tubig at budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP®. Ihalo ang chili leaves. Isalin sa serving dish at i-serve.

Breaded Pork Chop 

Kung usapang meals under 30 minutes na rin lang, isama na natin itong quick dinner recipe na Breaded Pork Chop. Easy ingredients—check! Madaling i-prepare—check! Madaling lutuin—check! Masarap—check na check!  

Ingredients:  

  • ½ kg skinless pork chops (approx. 6 pcs)  
  • 2 tbsp toyo  
  • ¼ tsp paminta  
  • 1 sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®  
  • ½ cup harina  
  • 2 pcs egg, binate  
  • 1 ½ cups Japanese bread crumbs  
  • 2 cups vegetable oil  
  • ¼ cup na sawsawan (your preference)  

Procedure:  

  1. Timplahan ang pork chops ng toyo, paminta, at MAGGI® MAGIC SARAP®. Balutin ito sa harina, i-dip sa beaten eggs, at balutin ng bread crumbs.  
  2. Prituhin ang pork sa preheated oil hanggang maging golden brown. Itabi at isala ang excess oil. Isalin sa serving plate kasama ng inyong preferred sauce at ihain.

Tortang Talong

Isa sa mga pinakamadaling lutuin ang Tortang Talong. Kailangan mo lang ng two major ingredients: talong at itlog. Kung magkataong wala ka nang time magluto, subukan ang aming recipe! Madali nang lutuin, masarap pa!  

Ingredients:  

  • 6 pcs talong  
  • 1 sachet ng 8g MAGGI® MAGIC SARAP®  
  • 6 pcs medium eggs  
  • ½ cup vegetable oil  

Procedure:  

  1. Tusukin ang mga talong gamit ang tinidor at ihawin hanggang masunog ang balat. Ilagay sa mangkok at takpan nang sampung (10) minuto. Balatan ang talong at i-flat gamit ang tinidor.  
  2. Budburan ang talong ng ilang kurot ng MAGGI® MAGIC SARAP®.  
  3. Budburan ang beaten eggs ng kaunting MAGGI® MAGIC SARAP®. Ilublob ang talong sa beaten eggs.  
  4. Iprito ang talong kasama ang itlog hanggang maging golden brown ito. Isala ang excess oil at isalin ang ulam sa serving dish para ihain.

All-in-One Tortang Corned Beef 

Isa pa sa mga favorite torta recipes angTortang Corned Beef! Malaking bagay na may de latang corned beef ka sa bahay at itlog in case kapusin ka sa oras para mag-luto.  

Ingredients:  

  • 4 cloves bawang, minced  
  • 1 pc sibuyas, chopped  
  • 1 pc patatas, diced  
  • 1 small can ng corned beef  
  • 3 tbsp vegetable oil  
  • 6 pcs itlog (medium)  
  • ½ sachet ng 8g MAGGI® MAGIC SARAP®

Procedure:  

  1. Igisa ang bawang, sibuyas, patatas, at corned beef sa mantika gamit ang non-stick na kawali.  
  2. Budburan ang beaten eggs ng MAGGI® MAGIC SARAP®. Isalin sa kawali at haluin sa low heat.  
  3. Takpan ang kawali ng plato para i-flip at ibalik ang torta sa kawali para lutuin naman ang kabilang side. Isalin sa serving dish at ihain habang mainit.

Tortang Hotdog 

Finally, ang tortang patok for all ages na siguradong mauubos pag hinain mo — Tortang Hotdog. Puwedeng puwede mong makita ang ingredients nito sa kusina o bilhin sa suki mong sari-sari store!  

Ingredients:  

  • 4 cloves bawang, minced  
  • 1 pc sibuyas, chopped  
  • 1 small can corned beef  
  • ½ sachet 8g MAGGI® MAGIC SARAP®  
  • 6 pcs itlog (medium)  
  • 1 pc patatas, diced  
  • 3 tbsp vegetable oil  

Procedure:  

  1. Igisa ang bawang, sibuyas, at corned beef sa mantika gamit ang non-stick na kawali. 
  2. Budburan ng MAGGI® MAGIC SARAP® ang beaten eggs. Isalin at haluin hanggang mag-set at lutuin sa mababang apoy.  
  3. Takpan ang kawali ng plato para i-flip at ibalik ang torta sa kawali para lutuin naman ang kabilang side. Hiwain ang Tortang Corned Beef at isalin sa serving plate para ihain.

Easy Dinner Meals Para sa Mga Busy na Mommies 

Kapusin ka man sa oras, kayang-kaya mo pa rin gawing All-in-ONEderful ang mealtime with these quick, easy, and yummy recipes. Siguradong bawat araw, aabangan ni mister at ng mga bata ang mga katakam-takam mong dishes. Ilevel-up ang sarap ng lutuin with MAGGI® MAGIC SARAP®!